Old Manila Churches
2012 April 5, Thursday morning, i know my family is already prepared dahil gabi palang nang Wednesday sinabihan na nila akong agahan 'kong daanan sila, ngunit nakaupo pa ako sa harap ng computer at nagsi-search ng mga simbahan na maaaring puwede naming puntahan. Kinansel ko kasi ang route sa Cavite because i'm not sure with the condition of the car, matindi ang init ng araw baka puro overheat lang ang abutin namin sa daan. Then I try to search the route of old manila churches in the internet as substitute. Around 8:00 a.m. hindi pa ako tapos but I received a text message from my sister and she asked kung nakaalis naba ako ng bahay. Last year kasi sa Bulacan kami nag-Visita Iglesia, halos kalahati ng mga simbahan na aming pinuntahan ay hindi na namin naabutang bukas, but we still continue the visiting to complete the Station of the Cross dahil ito na ang naging way namin para sa taunang pasasalamat sa Diyos. Metro manila lang naman...